ULIRAN



Ang kahirapan ng mga nakatatanda
Aspetong hindi nababatid ng isang makabagong henerasyon
Ngunit sa kanila’y dapat pagtuunan
Walang naging katuparan ang kanilang buhay
Silang tumanda at naiwan ng ganoon na lamang
Hindi ako naniniwalang
Makikita natin ang kanilang halaga
Sa kanilang mga kulubot at lumalaylay na balat
Kabagalan ng kilos at madalang na hakbang
Sila’y madaling mapagod at mahingal
Masakit ang likod at baywang kapag nirayuma 
Wala nang pangkagat, nabungi na lahat
Silang may kumakalog na tuhod at kasukasuan
Wala nang silbi
Hindi ako naniniwalang
May solusyon sa kanilang mga pangangailangan
Mabibigyan ng maayos na matutuluyan at kumpletong pasilidad
Maaalagaan ng mga marurunong sa medisina
Makakakuha pa ng trabaho
Makakagamit ng iba’t ibang panlipunang serbisyo
Ang mga lolo at lola
Ang paninindigan ko
Wala nang tadhanang naghihintay;
Wala nang pag-asa;
Wala nang silbi;
Sa kanilang kakulangan,
Hindi ako kumbinsidong
May mararating pa sina lolo at lola
Anumang gawain
Saanman sa mundong ating ginagalawan


IBA ANG PANINIWALA KO
(basahin pabalik)

Comments

Popular posts from this blog

Ano ka? Lapis o Pambura?

In the realm of love

TAO SA KALIKASAN: KAIBIGAN O KAAWAY?