TAO SA KALIKASAN: KAIBIGAN O KAAWAY?
.jpg)
Sa trahedyang kinakaharap, ano nga ba ang maaari nating asahan kung ang ating mundo ay hindi na natin sinasabayan? Matapos pagmuni-munihan sa ulat ng pangkat ang pananaw ukol sa hindi sabayang pag-unlad ng tao at kalikasan at sa salik na “Prosperity without Growth” ni Tim Jackson, nais ng papel na ito na bigyan ng mas malalim na pilosopikong pagmumuni-muni ukol sa paksa. Nakatuon ang kabuuan ng papel na ito sa tao at kung ano nga ba ang ginagampanan niya sa isyung ito. Ano o sino nga ba ang pangunahing dahilan ng lahat ng kaguluhan na nangyayari ngayon sa mundo? Sino pa kundi ang tao. Tayo mismo ang dahilan ng problema. Sa patuloy na paghahangad ng tao na makaangat sa iba, dinadala nito ang tao sa pagiging dahilan ng iba pang mga sakuna, magsimula na lang sa pang-industriyang pananamantala sa mga likas na yaman ng mundo. Ang mahirap sa tao, hindi siya marun...